QCPD nagpaliwanag sa nasawing preso sa Novaliches

By Donabelle Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz June 21, 2018 - 10:17 AM

FB Photo | Genesis Argoncillo

Nagpaliwanag ang si Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Joselito Esquivel, Jr. sa pagkasawi ng isang preso na nakakulong sa Novaliches Police Station (PS 4).

Kalat ngayon sa social media ang panawagan ng pamilya ni Genesis Argoncillo na inaresto sa kasong alarm and scandal noong June 15 at kalaunan ay nasawi habang nasa kostodiya ng mga pulis.

Ayon kay Esquivel, dumaing si Argoncillo ng hirap sa paghinga noong June 19 kaya agad itong isinugod sa Novaliches District Hospital.

Pero idineklara itong nasawi alas 5:15 ng madaling araw ni Dr. Jethiel Fabon. Ang nasabing duktor din ang na-sertipika na walang senyales ng anomang external injuries si Argoncillo.

Sinabi ni Esquivel na walang katotohanan ang paratang sinaktan ng mga pulis si Argoncillo na siyang ikinasawi nito.

Hindi aniya mapatutunayan ang nasabing mga akusasyon hangga’t hindi naisasailalim sa otopsiya ang katawan ng nasawing bilanggo.

TAGS: Genesis Argoncillo, Radyo Inquirer, Genesis Argoncillo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.