Instagram maglulunsad ng IGTV, papayagan na ang pag-post ng mahabang video

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 21, 2018 - 07:20 AM

Nakatakdang maglunsad ng IGTV ang Instagram na magbibigay-daan sa mga user na makapag-post ng mas mahabang video.

Sa pahayag ng chief executive ng Instagram na si Kevin Systrom, magdaragdag sila ng section sa IG para sa long-form video.

Sa simula, isasama ito bilang bahagi ng IG app pero gagawin ding available bilang hiwalay na app.

Kamakailan umabot na sa mahigit isang bilyon ang bilang ng mga aktibong user ng Instagram.

Ang Instagram ay pag-aari din ng Facebook makaraang bilhin ito noong taong 2012 sa halagang $1 billion.

TAGS: IGTV, Instagram, IGTV, Instagram

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.