14 na katao arestado sa sinalakay na drug den sa San Pablo City, Laguna

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 21, 2018 - 06:53 AM

Arestado ang labing apat na katao matapos maaktuhan habang gumagamit ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na buy bust operation sa isang barangay sa San Pablo City, Laguna.

Sa Barangay Santa Monica, unang naaresto ang apat na lalaki sa ikinasang operasyon ng San Pablo City Drug Enforcement Unit Miyerkules ng gabi.

Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng reklamo sa text tungkol sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa lugar.

Kasamang nadakip ang target ng operasyon na si Ronron Ibe alyas “Tabaron” kasama ang tatlong iba pa na naaktuhan ng mga pulis habang gumagamit ng ilegal na droga.

Sa isa pang operasyon sa parehong barangay, nadakip ang sampung iba pang mga suspek na pawang naaktuhan din na gumagamit ng shabu.

Ayon kay Supt. Danilo Mendoza, hepe ng San Pablo City Police, nakakuha sila ng impormasyon na ginagawang drug den ang naturang lugar.

Nakuhanan ng 12 sachet ng shabu ang mga suspek, drug paraphernalia at may nakuha ring baril kay Ibe.

 

TAGS: buy bust operation, laguna, Radyo Inquirer, san pablo city, War on drugs, buy bust operation, laguna, Radyo Inquirer, san pablo city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.