‘Longest day ng 2018’ mararanasan ng Pilipinas ngayon

By Rhommel Balasbas June 21, 2018 - 01:29 AM

Ngayong Huwebes, June 21 mararanasan ang pinakamahabang araw at pinakamaikling gabi ng taon dahil sa ‘summer solstice’ ayon sa PAGASA.

Ayon sa weather bureau, tatagal ng 12 oras at 59 minuto ang daytime ngayong araw.

Sisikat ang araw ala-5:28 ng umaga at lulubog ala-6:27 ng gabi.

Ang summer solstice ay ang oras kung saan natatamo ng araw ang pinakamalaking ‘declination’ nito sa +23.5 degrees.

Ang pangyayaring ito ay senyales ng pagsisimula ng summer season sa Hilagang Hemisphere.

Inaasahan na sa susunod na tatlong buwan ay mararanasan ang mas mahahabang daytime kaysa sa nighttime.

Ang summer solstice ay ang kabaligtaran ng winter solstice kung saan maikli ang araw at mahaba ang gabi na kadalasan namang nagaganap tuwing Disyembre 21 o 22 kada taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.