Valerie Concepcion nakatapos na sa kolehiyo

By Justinne Punsalang June 21, 2018 - 12:00 AM

Valerie Concepcion Instagram

Pinatunayan ng aktres na si Valerie Concepcion na mahalaga ang edukasyon.

Sa kanyang latest post sa Instagram ay ibinahagi ni Valerie ang kanyang graduation photo at sinabing nakamit na niya ang kanyang pangarap na diploma para sa kursong Psychology matapos maka-graduate mula sa Arellano University.

Nagpasalamat ang aktres sa kanyang mga mahal sa buhay dahil sa kanilang walang sawang suporta na tumulong aniya sa kanya upang makatapos ng pag-aaral.

Nagpasalamat din si Valerie sa kanyang mga naging kaklase at professors, maging sa Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ng pamantasan na malaking tulong sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Dagdag ni Valerie, hindi niya maitago ang kanyang kasiyahan dahil matapos ang mahabang panahon ay nakamit na niya ang inaasam-asam na college degree.

Ginamit pa ng aktres ang hashtag na #nevergiveup sa kanyang post.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.