Duterte at PNP hinamon arestuhin ang mga tambay na Chinese sa WPS

By Erwin Aguilon June 20, 2018 - 04:34 PM SHARE(S):

Ipinahuhuli ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Philippine National Police ang mga tambay sa West Philippine Sea.

Ayon kay Zarate, sa halip na mga tambay sa kalye ang targetin ng PNP mas makabubuti para sa bansa kung ang mga tambay sa West Philippine Sea ang palalayasin.

Dapat anyang pinupuntirya ng pamahalaan ang mga Chinese fisherman at coast guard dahil ang mga ito ang ‘’tambay’’ na perwisyo sa bansa lalo na sa mga maliliit na mangingisda.

Ang mga ito rin anya ang nakikinabang sa likas na yaman ng bansa sa West Philippine Sea.

Reaksyon ito ni Zarate kaugnay sa utos ng pangulo na arestuhin ang mga tambay sa lansangan.

TAGS: chinese, duterte, PNP, tambay, West Philippine Sea, chinese, duterte, PNP, tambay, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.