Mga kaso niya sa Office of the Ombudsman naresolba na ayon kay DOLE Sec. Bello

By Rohanisa Abbas June 20, 2018 - 12:21 PM SHARE(S):

Wala nang nakabinbing kaso si Labor Secretary Silvestre Bello III sa Office of the Ombudsman.

Sa public panel interview ng Jusicial and Bar Council, sinabi ni Bello na naresolba na ng Office of the Ombudsman ang mga kaso laban sa kanya kaugnay ng kontrata kasama ang Philippine Reclamation Authority noong 1988.

Si Bello ay dating general manager at chief executive officer ng PRA.

Matapos ang panayam sa JBC, iprinisenta ni Bello sa mga mamamahayag ang sertipikasyon ng Office of the Ombudsman na wala siyang nakabinbin na kasong kriminal at administratibo.

Inilabas ang clearance ni Bello noong June 19, isang araw bago ang public panel interview.

Sa ilalim ng Rule, Section 5 ng JBC, hindi kwalipikado sa anumang judicial post o sa posisyon ng Ombudsman at Deputy Ombudsman kapag may kinakaharap na kasong kriminal o administratibo ang aplikante.

Nakatakdang bumaba sa pwesto si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa July 26.

TAGS: Judicial and Bar Council, Office of the Ombudsman, Radyo Inquirer, Silvestre Bello III, Judicial and Bar Council, Office of the Ombudsman, Radyo Inquirer, Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.