Lalaki patay sa pamamaril sa Calamba, Laguna

By Rhommel Balasbas June 20, 2018 - 06:49 AM

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin alas-11:45 kagabi sa Purok 8, Brgy. Uno, Calamba City.

Ayon sa impormasyon ng Calamba Police, kinilala ang nasawi na si Benedict Alipio Llamas.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nasa isang cara y cruz session ang biktima nang pagbabarilin ito ng suspek na nakilala lamang sa alyas na “Yet-yet”.

Sumigaw pa ang suspek ng babalang ‘walang tatakbo’ bago paputukan nang ilang beses si Llamas na dahilan ng pagkamatay nito.

Sa ngayon ay pinasisiyasat na sa SOCO ang insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush incident, Calamba, laguna, Radyo Inquirer, ambush incident, Calamba, laguna, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.