Mga naarestong tambay, dinampot ng mga pulis dahil sa paglabag sa mga lokal na ordinansa at hindi sa pagiging tambay lamang

By Chona Yu June 19, 2018 - 07:51 PM

Nilinaw ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go na hindi inaresto ang mga tambay dahil lang sa pagiging tambay.

Sinabi ni Go na inaresto ang nasa mahigit limang libong indibidwal dahil sa paglabag sa mga local ordinances at hindi dahil sa pagiging tambay lamang.

Ayon kay Go, kabilang sa mga local ordinances na posibleng nalabag ng mga inaresto ang pag-ihi sa mga bawal na lugar, paninigarilyo, pag-inom sa pampublikong lugar at ang pagpapakalat-kalat sa lansangan nang nakahubad.

Binigyang diin ni Go na ginagawa lang ng mga pulis ang kanilang trabaho na pagpapatupad ng batas at pag-aresto sa mga lumalabag.

TAGS: bong go, bong go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.