Labi ng OFW na nasawi sa pambubugbog sa Slovakia, dumating na sa bansa

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 19, 2018 - 11:32 AM

Dumating na sa bansa ang mga labi ng OFW na si Henry John Acorda na nasawi matapos bugbugin ng lalaking Slovak.

Sinalubong ni Foreign Affairs Sec. Alan peter Cayetano at Philippine Ambassador to Austria Ma. Cleofe Natividad ang mga labi ni Acorda nang dumating ito sa Ages Aviation Center sa Pasay City.

Kasama ni Cayetano ang pamilya ni Acorda kabilang ang kaniyang ina at mga kapatid.

Sakay ng Airbus 319 na pag-aari ng Slovak Government and mga labi ni Acorda nang dumating ito sa bansa galing sa Bratislava.

Si Acorda na nagtatrabaho bilang financial analyst sa Slovakia ay nasawi nang bugbugin ng isang local doon dahil sa pagtatanggol niya sa kasamang mga babae na hinaharass umano ng suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DFA, Henry John Acorda, ofw, Radyo Inquirer, Slovakia, DFA, Henry John Acorda, ofw, Radyo Inquirer, Slovakia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.