Dating MILF member at 1 pang kasama nito, arestado sa drug buy-bust sa QC

By Jong Manlapaz June 19, 2018 - 11:19 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at kaanak nito makaraang mag-positibo sa ikinasang buy-bust operation ng QCPD station 6.

Ayon kay Supt. Joel Villanueva, hepe ng Batasan Police Station, isang anti-drug operation ang kanilang ikinasa na nagresulta sa pagkakadakip kay Kasle Manay, 28 anyos at Ibrahim Usman, 37 anyos.

Nakuha mula kay Kasle ang isang ID na nagsasaad na siya ay dating miyembro ng MILF at nagsanay sa paghawak ng armas.

Habang si Usman ay may nakabinbing warrant of arrest sa Cotabato sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga at pagbibitbit ng baril.

Naaresto ang dalawa matapos na magkunwaring bibili ng P50,000 halaga ng ilegal na droga ang poseur buyer.

Nang magpositibo ay agad inaresto ang mga suspek.

Nakuha mula sa kanila ang 20 gramo ng shabu na mayroong street value na P120,000.

Nakuhanan din sila ng drug paraphernalia at ang P50,000 boodle money.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: buy bust, MILF, quezon city, buy bust, MILF, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.