North Korean Leader Kim Jong Un magtutungong muli sa China

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 19, 2018 - 11:06 AM

AP FILE PHOTO

Muling magtutungo sa China si North Korean Leader Kim Jong Un.

Kinumpirma ito ng state media sa China kasunod ng mga bali-balita na muling pupunta sa Beijing ang lider ng NoKor.

Ayon sa ulat, dalawang araw ang magiging pagbisita sa China ni Kim at magsisimula ito ngayong araw ng Martes.

Binanggit din sa ulat na nagpatupad na ng mahigpit na seguridad sa Beijing airport.

Pinagbawalan din ang mga mamamahayag na lumapit sa lugar para makakuha ng larawan at video.

Ito na ang magiging ikatlong pagbisita ni Kim sa China.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: China, Kim Jong un, north korea, Radyo Inquirer, Xi Jinping, China, Kim Jong un, north korea, Radyo Inquirer, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.