Refilling plant ng LPG sa Zamboanga City, nasunog

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 19, 2018 - 10:54 AM

Tinupok ng apoy ang refilling plant ng LPG sa Zamboanga City.

Naganap ang sunog pasado alas 2:00 ng madaling araw ng Martes sa Barangay Talisayan.

Ayon kay FO2 Elvin Ramirez, nagkaroon ng leak ang isa sa LPG tank na nasa loob ng refilling plant at iyon ang pinagmulan ng apoy.

Umabot sa 10 tangke ang nasunog at nadamay din ang isang truck na pag-aari ng kumpanya.

Ayon kay Rizaldy Alay, empleyado sa kumpanya, natutulog sila sa kanilang quarters nang makarinig na lang sila ng malakas na pagsabog.

Nagtamo pa ng sugat sa paa si Alay habang tinatangka niyang tumakas palabas ng gusali.

Inabot ng dalawang oras ang sunog bago tuluyang naapula.

TAGS: fire incident, lpg refilling plant, Radyo Inquirer, Zamboanga City, fire incident, lpg refilling plant, Radyo Inquirer, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.