Most wanted sa North Cotabato arestado ng mga otoridad

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 19, 2018 - 09:49 AM

Arestado ang suspek sa pagpatay sa agriculture officer sa North Cotabato matapos itimbre ng isang concerned citizen ang lugar na kaniyang pinagtataguan.

Kinilala ang suspek na si Caesar Mangawan alyas Boy Dawag na pinaniniwalaang ‘gun-for-hire’ at sangkot na sa iba’t ibang krimen.

Si Mangawan ay most wanted person sa Arakan, North Cotabato matapos patayin si Arakan Municipal Agriculturist Edgar Arana noong November 18. 2017.

Ayon kay Senior Inspector Jun Napat, officer-in-charge ng Arakan Police, sangkot din ang suspek sa kasong robbery at two dalawang kasong homicide.

Isang opisyal ng barangay ang nagtimbre sa mga pulis ng kinaroroonan ni Mangawan at kaniyang kinakasama.

Nagkataon kasi na ang lote na inuupahan ng pinagtaguan ng suspek ay pag-aari ng opisyal ng barangay.

Kasama ding dinakip ang live-in partner ni Mangawan dahil sa pagkakanlong nito sa isang pugante.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Arakan, most wanted person, North Cotabato, Radyo Inquirer, Arakan, most wanted person, North Cotabato, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.