Kumpanya ng dalawang bus na nasangkot sa aksidente sa EDSA, pagpapaliwanagin ng LTFRB

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 19, 2018 - 09:50 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Magpapalabas ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa kumpanya ng dalawang pampasaherong bus na nasangkot sa aksidente sa EDSA-Magallanes, Martes ng umaga.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, kapwa pagpapaliwanagin ng ahensya ang pamunuan ng Valenzuela Transport Cooperative at Joycelle Express Inc.

Ito ay makaraang maaksidente ang dalawang bus na ikinasugat ng hindi bababa sa 17 katao at labis na ikinaperwisyo ng daloy ng traffic sa EDSA southbound.

Ani Lizada kailangang ipaliwanag ng dalawang kumpanya kung bakit hindi sila dapat mapatawan ng parusa ng LTFRB matapos ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang Joycelle Bus kaya bumangga sa isa pang bus at isang pribadong sasakyan.

Pero ayon sa ilang saksi, nag-aagawan umano sa pasahero ang dalawang bus.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, EDSA Magallanes, Joycelle Bus, Radyo Inquirer, VTSC Bus, accident, EDSA Magallanes, Joycelle Bus, Radyo Inquirer, VTSC Bus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.