WATCH: Dalawang pampasaherong bus naaksidente sa EDSA-Magallanes, 17 ang sugatan

By Ricky Brozas June 19, 2018 - 07:56 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Sugatan ang hindi bababa sa labingpitong pasahero makaraang mawalan umano ng preno ang isang pampasaherong bus at banggain ang isa pang bus at isang pribadong sasakyan sa EDSA-Magallanes southbound lane.

Kuha ni Ricky Brozas

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nawalan ng preno ang Joyselle Bus na may plate number na TXD 328, nagpagewang-gewang at saka binangga ang VTSC Bus na biyaheng Alabang-Novaliches at isang Mitsubishi Mirage na may plakang ACM 4149.

Naganap ang aksidente alas 6:11 ng umaga na naksagsagan ng rush hour dahilan para umabot hanggang sa Cubao sa Quezon City ang traffic sa EDSA southbound.

Ayon sa MMDA, sa 17 nasugatan, 14 ay lalaki habang 3 ang babae na pawang nagtamo lamang ng minor injuries.

Agad namang nakaresponde ang mga kinatawan mula sa Philippine Red Cross headquarters sa Mandaluyong at sa Parañaque City at nilapatan ng lunas ang mga sugatan.

Dinala sa Ospital ng Makati ang mga nasugatang pasahero.


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, bus, edsa, magallanes, metro news, Radyo Inquirer, accident, bus, edsa, magallanes, metro news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.