Lalaking nagnakaw ng motorsiklo patay sa engkwentro sa Caloocan

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 19, 2018 - 06:29 AM SHARE(S):

Patay ang isa sa tatlong hinihinalang carnapper sa Caloocan City makaraang manlaban sa mga otoridad.

Naganap ang engkwentro sa Phase 10, Barangay 176, Bagong Silang sa Caloocan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pwersahang tinangay ng tatlong suspek ang motorsiklo na minamaneho ng isang babaeng biktima.

Agad nakapagsumbong ang biktima sa mga tauhan ng PCP 3 ng Caloocan Police na nagkasa naman ng operasyon laban sa mga suspek.

Nang mamataan ang tatlo gamit ang Suzuki Raider J-115 na tinangay sa biktima ay tinakbuhan nila ang mga pulis na nagresulta na sa habulan at barilan.

Isa sa mga suspek ang nasawi habang tinutugis ang dalawang kasamahan nitong nakatakas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: armed encounter, caloocan, Radyo Inquirer, armed encounter, caloocan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.