2 OFW nagpatiwakal sa Saudi at Lebanon ayon sa DFA

By Justinne Punsalang June 19, 2018 - 04:38 AM

Dalawang Pinay household service workers sa Saudi Arabia at Lebanon ang sinasabing nagpatiwakal noong nakaraang linggo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nakatanggap ng ulat ang embahada ng Pilipinas sa Beirut tungkol sa pagpapakamatay ng overseas Filipino worker mula Cagayan matapos nitong tumalon mula sa apartment ng kanyang amo na nasa ikaanim na palapag noong June 11. June 12 naman nang matanggap ng embahada ng Pilipinas sa Riyadh ang ulat tungkol sa pagbibigti ng isa pang Pinay household service worker mula Agusan del Sur sa loob mismo ng bahay ng kanyang amo.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na ang mga embahada ng Pilipinas sa pamahalaan ng dalawang mga bansa upang maimbestigahan ang naturang mga insidente, partikular upang malaman kung mayroon bang foul play na naganap.

Pagtitiyak ng kagawaran, bibigyan nila ng tulong ang mga pamilya ng dalawang domestic workers. Kabilang dito ang pag-uuwi ng mga labi sa lalong madaling panahon.

TAGS: DFA, ofw, suicide, DFA, ofw, suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.