Hepe ng Mallig Police sa Isabela, napaslang sa operasyon

By Justinne Punsalang June 19, 2018 - 04:36 AM

Nasawi ang hepe ng Mallig Police Station sa Isabela matapos magkasa ng drug operation noong Linggo.

Kinilala ang pulis na si Senior Inspector Michael Angelo Tubaña, 31 taong gulang.

Ayon sa mga otoridad, nagsagawa ng operasyon ang mga pulis laban kay Warren Bulawit, 19 na taong gulang at kasamang isang 17 taong gulang na binata sa Barangay Centro.

Nang aarestuhin na ay nanlaban ang mga ito at pinaputukan ang pulis bago tumakas.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas si Tubaña sa ospital. Lunes naman ng umaga nang maaresto ang mga drug suspek.

TAGS: isabela, police operation, isabela, police operation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.