30 katao, nahuli sa SACLEO sa Pasay City

By Justinne Punsalang June 19, 2018 - 04:32 AM

Muling nagkasa ng malawakang operasyon o Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ang Pasay City Police gabi ng Lunes hanggang kaninang madaling araw.

Mahigit 30 katao ang nahuli sa naturang operasyon. Sa Buendia PCP ay dinampot ang nasa 20 katao, kabilang ang mga menor de edad na lumabag sa curfew at nahuling naglalaro sa computer shop; at mga kalalakihang umiinom sa kalsada at walang suot damit pang-itaas.

Samantala, 10 indibidwal naman ang nahuli at dinala sa Station Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police.

Walo sa mga ito ay hinuli dahil walang suot na pang-itaas habang ang dalawa naman ay nahuling umiinom sa kalye.

TAGS: Pasay, SACLEO, Pasay, SACLEO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.