P1M halaga ng ari-arian, napinsala sa sunog sa pagawaan ng fire extinguisher

By Rohanisa Abbas June 18, 2018 - 10:11 AM

FILE PHOTO

Nasunog ang pagawaan ng fire extinguisher sa Mandaue, Cebu kaninang madaling-araw.

Sumiklab ang apoy sa opisina ng may-ari nito na si Mario Villafuerte.

Nadamay sa sunog ang katabing bakery at rewinding shop.

Tumagal nang 40 na minuto bago naapula ang apoy.

Wala namang napaulat na nasugatan sa insidente.

Aabot naman sa isang milyong piso ang pinsalang iniwan ng sunog.

 

TAGS: apoy, fire extinguisher, sunog, apoy, fire extinguisher, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.