Limang immigrants patay sa aksidente sa Texas

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 18, 2018 - 06:50 AM

Lima ang patay habang maraming iba pa ang sugatan makaraang maaksidente ang isang SUV na nagtangkang takasan ang mga Border Patrol agents sa South Texas.

Ayon kay Dimmitt County Sheriff Marion Boyd, nawalan ng kontrol ang SUV at bumaligtad sa kahabaan ng Texas Highway 85.

Masyadong mabilis ang takbo ng SUV dahil tinangka nitong takasan ang mga tauhan ng Border Patrol na nasa lugar.

Tumilapon pa palabas ng sasakyan ang mga sakay ng SUV.

Ayon sa Texas Department of Public Safety, apat ang dead on the spot habang ang isa ay nasawi sa ospital.

Pinaniniwalaang walang sapat na dokumento ang labinglimang mga immigrant na sakay ng SUV.

Hawak na ngayon ng mga otoridad ang driver at isa pang pasahero ng SUV.

Habang ang iba pang sugatan ay isinakay sa helicopter para madala sa ospital sa San Antonio.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, Dimmitt Texas, accident, Dimmitt Texas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.