Babae kinain ng sawa sa Indonesia

By Chona Yu June 17, 2018 - 06:06 PM

Isang 54 anyos na ginang ang kinain ng sawa sa Muna island, southeast Sulawesi, central Indonesia.

Nakilala ang biktima na si Wa Tiba.

Ayon sa ulat, nasa hardin lamang si Tiba at tinitingnan ang mga tanim na halaman nang bigla na lamang mawala.

Agad namang hinanap si Tiba ng kanyang pamilya subalit tanging ang ahas na may haba na pitong metro at ang sandals at flashlight ng biktima na lamang ang nakita sa lugar.

Agad na hiniwa ng mga rumespondeng kawani ng barangay ang tiyan ng ahas at doon nakita ang bangkay ni Tiba.

Ito na ang ikalawang insidente ng pag-atake ng sawa sa Indonesia simula noong Marso ng nakaraang taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.