17 nasawi sa stampede sa isang club sa Venezuela

By Justinne Punsalang June 17, 2018 - 03:57 PM

Nasawi ang 17 katao, kabilang ang walong menor de edad, matapos magkagulo sa loob ng isang nightclub sa Caracas, Venezuela.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nauwi sa stampede ang gulo sa loob ng Los Cotorros Club matapos sumabog ang isang tear gas device.

Sinsasabing karamihan sa 500 tao na nasa loob ng club ay naroon upang ipagdiwang ang kanilang graduation.

Kasalukuyan nang nakapiit sa himpilan ng mga pulis ang walo katao, kabilang ang dalawang menor de edad na sinasabing responsable sa paggamit ng tear gas.

Kwento umano ng isa sa mga biktima, nagsimula ang usok ng tear gas sa loob ng banyo ng club at hindi nakalabas ang mga tao sa loob ng club dahil sa makitid na hagdan palabas ng club.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.