San Miguel wagi kontra TNT sa tensyonadong laban sa PBA Cup

By Rhommel Balasbas June 17, 2018 - 06:08 AM

Apat na manlalaro ang nasipa sa laban ng San Miguel at Talk N text sa PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Mall of Asia Arena dahil sa naglagablab na laban.

Gayunpaman, hindi napigilan ang San Miguel na ipanalo ang laban sa iskor na 99-94.

Tanggal sa laban sina Terrence Romeo at Anthony Semerad ng Katropa at Marcio Lassiter at Arwind Santos ng Beermen na pare-parehong nasangkot sa tensyon.

Ayon kay Beermen head coach Leo Austria sa kabila nangyari ay saludo siya sa kanyang dalawang manlalaro dahil sa kahandaan ng mga itong ibigay ang lahat para lamang sa team maging ang pakikipag-away kung kinakailangan.

Bunsod ng panalo, tie na ang San Miguel, Global Port at Magnolia sa torneo sa apat na panalo.

Lubhang kailangan ng San Miguel ang panalo bilang bawi sa pagkabigo kontra GlobalPort sa 98-94.

Nanguna para sa San Miguel sa kanyang game-high 43 points, 15 boards at four assists si Renaldo Balkman.

Si Joshua Smith naman ang nanguna sa TNT sa kanyang 26 points at 18 rebounds.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.