Mayor Sara Duterte nagpasalamat sa pagiging mahigpit ng kanyang ama

By Angellic Jordan June 16, 2018 - 01:53 PM

Nagbigay na ng Father’s day message si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte para sa kaniyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Inday Sara, naging mahigpit si ‘Digong’, kung tawagin nito sa social media pagdating sa kaniyang pag-aaral at trabaho.

Gayunman, hindi aniya siya nagrereklamo sa paraan ng pagpapalaki ng pangulo para makatapos ng pag-aaral.

Nagpasalamat pa si Sara dahil kung hindi dahil sa kanyang ama ay hindi siya maging abogado katulad nito.

Dagdag pa ni Sara, wala siya sa kaniyang pwesto ngayon kung hindi dahil sa kaniyang ama at ina.

Sinabi pa nito na nakuha niya ang aniya’y ‘twisted sense of humor’ at pagiging pukpok ng ama para makamit ang tagumpay sa buhay.

Ito aniya ang nakakatulong sa kaniyang pamumuhay.

Nakatakdang ipagdiwang ng Father’s day bukas, June 17.

TAGS: Davao City, duterte, Father's Day, Mayor, Sara Duterte, Davao City, duterte, Father's Day, Mayor, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.