4 katao na papunta sa “worship service” nakuhanan ng shabu

By Jimmy Tamayo June 16, 2018 - 11:52 AM

Arestado ang apat na katao sa buy bust operation sa bayan ng San Pedro, Laguna.

Kinilala ang isa sa na-aresto na si Suharto Asim Diong habang hindi naman pinangalanan ang tatlo pa nitong kasama.

Ang apat na pawang mula sa Maguindanao ay itinuro ng anim na drug suspect na nauna nang na-aresto sa isang buy bust operation sa Cabuyao, Laguna.

Sakay ang apat ng isang sasakyan at patungo umano sa isang “worship service” nang maaresto ng pulis.

Nakuhanan din ang mga ito ng aabot sa P700,000 na halaga ng shabu.

TAGS: PNP, san pedro laguna, shabu, worhip service, PNP, san pedro laguna, shabu, worhip service

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.