Bitoy, kahanga-hangang iginuhit si Lebron James sa loob ng 15 minuto

By Rhommel Balasbas June 16, 2018 - 04:34 AM

Hindi na kaila sa nakararami ang talento ng komedyanteng si Michael V. sa pagguhit.

Noong Huwebes, muli niyang pinahanga ang lahat matapos muling ipamalas ang kanyang galing sa sining.

Kung noon ay gumuhit siya ng larawan ng mga kapwa nasa showbiz industry, ngayon ay impresibong iginuhit ni Bitoy si Cleveland Cavaliers player Lebron James.

Bagaman natalo ang koponan sa katatapos lamang na NBA Finals kontra Golden State Warriors, ipinahayag ni Bitoy ang paghanga kay Lebron dahil sa ibinigay nito para sa Cavs.

Sa kanyang caption, sinabi ng komedyante na may pinatunayan ang katatapos lamang na NBA Finals: ito ay ang katotohanang kailanman ay hindi mananalo ang best player sa best team na kanyang pagtukoy sa GSW.

Tinanong din ni Bitoy kung may lilipat kaya si Lebron ng koponan o hindi matapos ang makasaysayang laban sa championship ng NBA.

Nakapagtala ng higit 16,400 likes ang guhit ni Bitoy sa Instagram at pinuri ng maraming netizens.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.