LOOK: Weekend road repair ng DPWH; ilang lansangan ang maaapektuhan

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 15, 2018 - 12:46 PM SHARE(S):

Isasailalim sa road repair ngayong araw hanggang sa Lunes ang ilang bahagi ng EDSA at iba pang kalsada sa Metro Manila.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sisimulan ang road reblocking alas 11:00 ng gabi at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga sa Lunes, June 18.

Kabilang sa maaapektuhan ang mga sumusunod na kalsada:

Sa southbound

  • EDSA pagkalagpas ng Arayat St., third lane mula sa sidewalk
  • EDSA sa harap ng Francesca Tower hanggang makalagpas ng Sct. Borromeo, third lane mula sa center island

Sa northbound

  • EDSA malapit sa North Ave., MRT Station, second lane
  • Batasan Road, Commonwealth Ave., hanggang Kalinisan St., second lane
  • H Lacson Ave., malapit sa EspaƱa

Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga lansangan para hindi maabala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DPWH, mmda, Radyo Inquirer, road repair, Weekend Road Reblocking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.