Pangunahing suspek sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo, naaresto na

By Mark Makalalad June 15, 2018 - 11:40 AM SHARE(S):

Naaresto na ang suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo ng Nueva Ecija.

Kinumpirma ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang pagkakadakip sa supsek na si Adell Roll Milan.

Si Milan ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Fr. Nilo.

Nadakip ang suspek si Milan sa Brgy. Malapit, San Isidro, Nueva Ecija alas 6:30 ng gabi ng Huwebes.

Positibong kinilala ng altar boy ang suspek na siyang gunman o namaril sa pari.

Alitan sa relihiyon at pagtulong ng pari sa isang biktima ng pangmomolestya ang tinitignang anggulo sa krimen.

Mayroon pang apat na suspek ang pinaghahanap sa pagkakasangkot sa krimen.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Fr Richmond Nilo, nueva ecija, prime suspect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.