READ: Mensahe ni Sen. Grace Poe para sa Eid’l Fitr

By Rhommel Balasbas June 15, 2018 - 06:57 AM

Nagpahayag ng pakikiisa si Sen. Grace Poe sa selebrasyon ng Eid’r Fitr ng mga Muslim ngayong araw.

Ngayong Biyernes, June 15 na nagtatapos ang panahon ng Ramadan ng mga Muslim kung saan inilaan ito sa panalangin, pag-aayuno at pagkakawang-gawa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng senadora na nawa’y ang paggunita sa Ramadan ay nagpatibay sa pananampalataya ng bawat isa.

Anya pa, nawa’y sa pagdiriwang ng mahalagang okasyong ito ay manatiling tapat ang bawat Filipino sa hangaring makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.

Sa huli, sinabi ni Poe na sa pamamagitan ng Eid’l Fitr, nawa’y maging mithiin ng bawat mamamayan na humarap sa mga bagong hamon sa personal na buhay ng bawat isa at bilang bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Eid'l Fitr, grace poe, Eid'l Fitr, grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.