Bong Go hinamon si Trillanes na magharap silang dalawa sa basketball court

By Chona Yu June 14, 2018 - 05:06 PM SHARE(S):
Photo: Jong Manlapaz

Hindi na pinalagpas pa ni Special Assistant to the President Sec. Bong Go si Sen. Antonio Trillanes III sa mga pagbatikos nito sa kalihim.

Bagkus hinamon ni Go ang senador na mag one-on-one na lang silang dalawa.

Hindi umano niya uurungan ang mambabatas sa paglalaro ng basketball sa hardcourt.

Pinayuhan rin niya si Trillanes na tumahimik na lamang at iwasan ang paglalabas ng mga balita na tatakbo silang dalawa ni Davao City Mayor Sara Duterte sa Senado.

Sinabi rin ni Go na pinayuhan na niya ang kanyang mga tagasuporta na itigil na ang pagpapakalat ng mga posters na nag-uugnay sa kanya sa pagtakbo sa Senado o kahit saan mang posisyon sa pamahalaan.

Pero kung gusto umano ni Trillanes ay pwede naman niyang isama ang mambabatas sa kanyang mga posters.

Si Go ay nagbigay ng P1 Million sa Philippine Children’s Hospital para sa mga cancer patients bilang bahagi ng kanyang birthday celebration.

Ang nasabing pera ay nalikom sa kanyang paglalaro ng basketball sa ilang game for a cause tournament.

TAGS: basketball, bong go, duterte, trillanes, basketball, bong go, duterte, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.