Presentasyon ni Revilla ng ebidensya sa plunder case muling nabinbin

By Isa Avendaño-Umali June 14, 2018 - 05:01 PM SHARE(S):

Bigo ang kampo ni dating Senador Bong Revilla na makapaghain ng mga ebidensya sa korte, kaugnay sa kasong plunder ukol sa Pork Barrel scam.

 

Ito’y makaraang ipagpaliban ng Sandiganbayan 1st Division ang pagdinig ngayong araw.

Noong October, 2017 pa natapos ang presentasyon ng ebidensya ng prosekusyon at ngayong araw sana ang unang pagkakataon ng presentation of evidence ng Revilla camp.

 

May nakabinbin namang mosyon ang kampo ni Revilla na humihiling sa korte na atasan ang prosekusyon na i-identify ang testimonial at documentary evidence na magpapatunay na nagkamal ng ill-gotten wealth ang dating senador na nagkakahalaga ng P50 Million.

 

Ipinababasura ito ng proseksyon sa katwirang rehash na lamang ang mosyon ng kampo ni Revilla.

 

Samantala, muling humirit si Revilla na makalabas ng PNP Detention Center para makapagpa-checkup ng ngipin.

 

Sa mosyon, sa June 18 ang dental check-up sa isang dental clinic sa Greenbelt, Makati City.

 

TAGS: plunder, pork, Revilla, Sandigan, plunder, pork, Revilla, Sandigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.