Opisyal ng CPP-NPA naaresto ng PNP

By Rohanisa Abbas June 14, 2018 - 03:49 PM SHARE(S):

Timbog ang isang opisyal at medical staff ng Communist Party of the Philippines sa Central Luzon.

Nagkasa ng manhunt operation ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines laban kay Juanito Carabeo sa Samal, Bataan.

Ayon kay Chief Supt. Amador Corpus, inaresto si Carabeo dakong alas-4:30 kahapon sa Barangay San Juan.

Si Carabeo ay nahaharap sa kasong murder, rebelyon at arson.

Mariin namang itinanggi ni Carabeo ang mga umano’y gawa-gawang akusasyon sa kanya ng mga otoridad.

TAGS: carabeo, CPP, NPA, PNP, carabeo, CPP, NPA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.