Pulis patay sa pananambang sa Cebu

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 14, 2018 - 11:43 AM SHARE(S):

Patay sa pananambang ang isang pulis sa Sitio Malbog, Barangay Poblacion sa Alegria, Cebu.

Nakilala ang pulis na si PO3 Jonathan Tilos mula sa Barangay Tisa, Cebu City.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang katawan si Tilos makaraang tambangan ng hindi nakilalang salarin, Miyerkules ng gabi.

Ayon kay PO2 Leopoldo Tagalog, ng Alegria Police Station, bago ang pananambang ay nakipagtalo si Tilos sa isang hindi nakilalang indibidwal.

Nang lumabas sa isang gym si Tilos, ay doon siya pinagbabaril ng ilang ulit.

Isinugod pa sa ospital ang pulis pero idineklarang dead on arrival.

Naitalaga sa Provincial Intelligence Branch ng Cebu City Police Office si Tilos bago nalipat sa Ginatilan Police Station.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Alegria, ambush, cebu, police, Alegria, ambush, cebu, police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.