Maraming kandidato ng Barangay at SK elections humabol sa June 13 deadline ng paghahain ng SOCE

By Rhommel Balasbas June 14, 2018 - 01:16 AM

Maraming kumandidato sa nagdaang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections ang humabol sa huling araw ng paghahain ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) ayon sa Commission on Elections.

Kahapon, Miyerkules ang deadline ng paghahain ng SOCE.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, maraming field offices ng Comelec ang nag-ulat na dumagsa ang mga kumandidato para makahabol sa paghahain ng naturang dokumento.

Wala na anyang extension o hindi na papalawigin pa ang paghahain ng SOCE at ang kabiguang makapagpasa nito ay magreresulta sa pagharap sa mga parusa.

Ayon kay Jimenez makatutulong ang SOCE upang malaman kung sumunod ang bawat kandidato sa campaign spending limit na P5 kada botante sa ilalim ng batas.

Ang mga lumampas sa limit na ito ay maaaring maharap sa diskwalipikasyon ayon sa opisyal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.