Dalawa patay sa landslide sa Baguio

By Rhommel Balasbas June 14, 2018 - 01:51 AM SHARE(S):
PNA Photo

Patay ang dalawang empleyado ng isang construction firm matapos gumuho ang lupa sa kanilang tinutuluyang barracks Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina project engineer Patrick Lachica, 23 anyos, residente ng Beckel, La Trinidad, Benguet; at Hannah Jean Aragon, 22 anyos, Human Resources Department representative ng FCL Laranang Construction at residente ng Baguio City.

Ang dalawang nasawi ay parehong empleyado ng FCL Laranang Construction na siyang nagtatayo ng Mega Tower condominium sa lugar.

Ayon sa security guard na si Sherwin Corpus, nagtungo siya ng barracks para mag-kape dahil sa malamig na panahon at nakaramdam na lamang siya bigla ng paggalawa sa lupa.

Huli na anya para iligtas ang dalawa na agad na nalibing ng buhay sa putik.

Agad na rumesponde ang pulisya at emergency response volunteers dahilan para makuha agad ang mga labi nina Lachica at Aragon.

Pinag-iingat ang mga tao sa lugar dahil sa paglambot ng lupa bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

Ang patuloy na ulan sa Baguio ay dahil pa rin sa hanging habagat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.