“Tinotokhang na rin ba ang mga pari?” — Sen. Hontiveros

By Jan Escosio June 14, 2018 - 04:30 AM

ahil sa mga insidente ng pagpatay sa mga pari, nagtanong na si Senador Risa Hontiveros kung ipinatutupad na rin ang Oplan Tokhang sa mga alagad ng simbahan.

Ang pagpatay kamakailan kay Father Richmond Nilo sa Zaragoza, Nueva Ecija ang tuluyan nang nagtulak kay Hontiveros para ihain ang Senate Resolution No. 764 na nag-aatas sa Committee on Public Order na imbestigahan ang pagpatay sa mga pari.

Duda pa ng senadora kung ang mga pagpatay ay may kinalaman sa pagtuligsa ng simbahan sa madugong kampanya kontra droga ng gobyerno.

Sinabi pa nito na ang pagbanat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa simbahan at sa mga pari ay maaaring magbigay lakas ng loob pa sa mga salarin na pumatay pa ng mga alagad ng Diyos.

Bago kay Father Nilo, pinaslang din sa Jaen, Nueva Ecija si Father Tito Paez, na kilalang tagapagtanggol ng mga karapatang-pantao, at kasunod niya ay si Father Mark Ventura na kilalang kontra sa mga minahan at itinumba sa Cagayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.