Pagka-OA ng Duterte critics sa bagong Scarborough incident pinuna ni Lacson

By Jan Escosio June 14, 2018 - 02:29 AM SHARE(S):

Pinayuhan ni Senador Ping Lacson ang mga kritiko ng administrasyong Duterte na hintayin na lang ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng China sa pambu-bully diumano ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Lacson, nagiging over-acting na ang mga pahayag ukol sa insidente na tila pag-uudyok sa gobyerno na pumasok sa giyera laban sa China.

Paliwanag ni Lacson, kung totoo naman ang insidente ng harassment ay kagagawan lang ito ng ilang Chinese coast guard personnel at hindi dapat isisi sa kanilang gobyerno.

Dagdag pa ng senador, wala namang utos ang Chinese government na agawan ng kanilang mga huli ang mga mangingisdang Pilipino na dadayo sa naturang bahura.

Tinuligsa ni Lacson ang mga taga-oposisyon na nangungulit na banggain na ng Pilipinas ang China dahil sa pagharang ng kanilang coast guard sa mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal.

Makakabuti aniya na hintayin na lang ang gagawing pagdi-disiplina ng China sa mga nangabusong nilang mga tauhan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.