Ranking ng Pilipinas sa Global Peace Index ikinabahala ni Representative Alejano

By Erwin Aguilon June 14, 2018 - 03:12 AM SHARE(S):

Nangangamba si Magdalo Representative Gary Alejano na posibleng maapektuhan ang pamumuhunan sa bansa dahil sa ranking ng Pilipinas sa Global Peace Index.

Ayon kay Alejano, ang mababang peace ranking ng bansa ay makakaapekto sa panghihikayat natin sa mga foreign investors na mamuhunan at magnegosyo sa Pilipinas.

Sinabi nito na mawawalan ng kumpyansa ang mga investors at tiyak na mahihirapan ang mga economic managers na ibenta ang Pilipinas para sa pamumuhunan at sa partnership para sa proyekto at programa ng pamahalaan.

Iginiit nito na posibleng ang China na lamang matitirang investor ng bansa dahil sa interes nito sa ating teritoryo.

Dahil dito, dapat anyang magising ang bansa bago mahuli ang lahat at kailangang palakasin ng Duterte administration ang institusyon at magkaroon ng malinaw na polisiya para sa peace and order ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.