Drug suspek arestado sa Pasay City

By Justinne Punsalang June 14, 2018 - 12:00 AM SHARE(S):
Pasay City Police

Natimbog ng mga otoridad ang isang lalaki na mayroong pending warrant of arrest sa Barangay 191 sa lungsod ng Pasay.

Nakilala ang suspek na si Alexander Cerbo, 30 taong gulang na mayroong pending warrant of arrest para sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Ayon sa Pasay City Police, naaresto si Cerbo sa pamamagitan ng warrant na inisyu sa Pasay Metropolitan Trial Court Branch 45.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad tungkol sa kinaroroonan ng suspek na nakitang pakalat-kalat sa kahabaan ng Andrew’s Avenue.

Agad na nagtungo sa naturang lugar ang mga elemento ng PCP 9, kung saan nakita nila si Cerbo.

Nang kapkapan, narekober mula sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.