Orange Rainfall Warning nakataas sa Batangas at Cavite

By Rhommel Balasbas June 14, 2018 - 02:16 AM SHARE(S):

Patuloy na nagbabadya ang malalakas na pag-ulan bunsod pa rin ng umiiral na southwest monsoon o hanging habagat.

Sa advisory na inilabas ng PAGASA kaninang alas-2 ng madaling araw, nakataas ang Orange Rainfall Warning sa Batangas at Cavite na maaaring magdulot ng mga pagbaha

Yellow Rainfall Warning naman ang itinaas sa Metro Manila, Bataan, Pampanga, Bulacan, Laguna at Rizal. Posible ang pagbaha sa mga mabababang lugar.

Mahihina hanggang sa katamtaman na may paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan naman ang mararanasan sa Nueva Ecija, Northern Quezon at Zambales.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na magbantay sa lagay ng panahon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.