Drug suspek patay sa engkwentro sa Bulacan

By Justinne Punsalang June 14, 2018 - 12:00 AM SHARE(S):

Nasawi ang isang drug suspek matapos manlaban sa mga otoridad sa Barangay Mabalo, sa Malolos, Bulacan.

Kinilala ang nasawing suspek na si Joseph Gallardo, alyas Bukaw.

Ayon sa Malolos City Police, matapos ang transaksyon at tangkang aarestuhin na si Gallardo ay nagpumiglas ito at sinuntok ang pulis na nagpapanggap bilang poseur buyer.

Bumunot rin ng kanyang baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis, dahilan upang gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Gallardo.

Napagalaman na nasa drugs watchlist ng Barangay San Vicente ang suspek at sangkot rin sa serye ng pagnanakaw sa lugar at mga kalapit na bayan.

Narekober mula sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang kalibre 22 na baril, 10 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu, at 32 piraso ng hinhinalang marijuana na may pinagsamang halaga na aabot sa P15,000.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.