PNP mayroon nang 5 suspek sa pagpatay kay Father Nilo sa Nueva Ecija

By Mark Makalalad June 14, 2018 - 02:03 AM SHARE(S):

Mula sa 2 persons of interest, 5 na ngayon ang suspek na tinitignan ng Philippine National Police (PNP) sa pagpatay kay Father Richmond Nilo sa Nueva Ecija.

Sa press conference sa Camp Crame, iniulat ni Police Regional Office (PRO) 3 Director Chief Superintendent Amador Corpus na base sa karagdagang CCTV footages na nakuha nila, lumalabas na may 3 pang lalaki na nakasakay sa motorsiklo malapit sa lugar nang pinangyarihan ng krimen.

Dagdag pa Corpus, mayroon na silang pagkakakilanlan ng isa sa mga suspek base sa imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) pero kinukumpirma pa nila ito.

Kanya namang tiniyak na minamadali na nila ang pagresolba sa krimen at patuloy na nangangalap ng ebidensya ang SITG.

Sa ngayon, nanatili sa 3 ang posibleng motibo sa pagpatay sa pari: away sa lupa, pagtulong ng pari sa biktima ng pangmomolestya, at alitan sa relihiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.