Paghahatid ng NFA rice, naantala dahil sa Habagat

By Rohanisa Abbas June 13, 2018 - 11:52 AM

FILE

Naantala ang paghahatid ng murang bigas ng National Food Authority dahil sa mga pag-ulang idinulot ng Habagat.

Ayon kay NFA spokesperson Rex Estoperez, dumating na sa mga pantalan ng Maynila at Cebu ang mga barkong karga ang mga bigas mula Vietnam at Thailand.

Gayunman aniya, hindi muna diniskarga ng mga tauhan ang mga bigas sa pangambang mabasa ng ulan at masira ang mga ito.

Sinabi ni Estoperez na aabutin ng dalawang araw ang pagbaba ng mga bigas mula sa mga barko.

Dadalhin naman sa mga bodega ng NFA ang murang bigas oras na gumanda na ang panahon.

 

TAGS: habagat, murang bigas, nfa, NFA Rice, thailand, Vietnam, habagat, murang bigas, nfa, NFA Rice, thailand, Vietnam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.