Grupong Kadamay inokupa ang housing project para sa mga pulis at sundalo sa Rodriguez, Rizal

By Jong Manlapaz June 13, 2018 - 09:53 AM

Aabot sa nasa 500 miyembro ng Kadamay ang lumusob sa isang housing project sa Rodriguez, Rizal, Miyerkules ng umaga.

Pasado alas 5:00 pa lang ng umaga nang dumating ang mga miyembrop ng Kadamay sakay ng lumang jeep sa Barangay San Isidro.

Agad pinasok at inokupa ng mga ito ang mga bakanteng bahay sa Phase 1A sa lugar na walang nakatira.

Ang nasabing pabahay ay housing project para sa mga tauhan ng AFP at PNP.

Tatlong buwan ang nakararaan tinangka din ng mga miyembro ng Kadamay na okupahan ang mga bakateng bahay sa Phase 1B sa parehong housing project pero hindi sila nagtagumpay.

TAGS: housing project, Kadamay, Rizal, Rodriguez, san isidro, housing project, Kadamay, Rizal, Rodriguez, san isidro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.