Mga pag-atake ng Palestine sa Israel napigilan dahil sa social media

By Justinne Punsalang June 13, 2018 - 12:00 AM

AP Photo

Mahigit 200 mga pag-atake ng Palestine sa Israel ang napigilan sa pamamagitan ng social media.

Paliwanag ni Israeli Public Security Minister Gilad Erdan, napigilan ng kanilang pamahalaan ang mga pag-atake dahil sa kanilang gingawang monitoring sa social media, partikular sa pag-aaral ng algorithm para maanalisa ang online activities.

Ani Erdan, plano niyang ibahagi ang security intelligence tactics ng Israel sa ibang mga bansa sa isasagawang international security conference.

Ani Erdan, makatutulong ang kanilang monitoring sa iba pang mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan at mapigilan ang mga banta ng terorismo.

Ngunit ayon kay Hanan Ashrawi na isang senior official ng Palestine, ang ginagawa ng Israel ay paglabag sa karapatan ng mga Palestinian nationals, partikular ang kanilang karapatan sa due process at privacy.

Batay sa datos ng Israeli government, mahigit 50 sa kanilang mga mamamayan ang pinatay ng mga Palestinians. Habang mahigit 260 mga Palestinian nationals naman na sinasabing mga terorista na ang napatay ng pwersa ng Israel.

Samantala, bumaba naman ang bilang ng mga pag-atake sa Israel. Mula sa 170 noong 2016, 90 ang naitalang pag-atake noong nakaraang taon, habang 25 na ang naitatala ngayong 2018.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.