Marikina Shoemakers at Muntinlupa Cagers wagi sa unang araw ng Maharlika Pilipinas

By Justinne Punsalang June 13, 2018 - 12:00 AM SHARE(S):

Binuksan ang unang araw ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa pamamagitan ng pagkapanalo ng Marikina Shoemarkers at Muntinlupa Cagers.

Naganap ang opening games kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Wagi ang Marikina Shoemakers sa kanilang tapatan ng Gen San Warriors sa iskor na 88-81.

Si Yves Sazon ang nanguna para sa koponan matapos nitong makapagtala ng 33 points, 10 rebounds, at 4 assists.

Samantala, napurnada naman ang debut game ni Bobby Ray Parks para sa Mandaluyong El Tigre matapos silang talunin ng Muntinlupa Cagers sa iskor na 86-74.

Pinangunahan ang koponan ni Allan Mangahas sa pamamagitan ng kanyang 16 points, 6 rebounds, at 5 assists.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.