Coco Martin at Vic Sotto magtatambal sa MMFF

By Justinne Punsalang June 13, 2018 - 12:00 AM SHARE(S):

Kinumpirma ni Coco Martin na magsasama sila ni Bossing Vic Sotto para sa isang pelikula na itatampo sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Ayon kay Coco, pangarap niyang makasama sa isang proyekto si Vic dahil iniidolo niya ang comedy trio na Tito, Vic, and Joey.

Aniya pa, excited na siya sa kanilang gagawing pelikula at itinuturing niyang isang karangalan na makatrabaho si Vic.

Samantala, nilinaw naman ng aktor na dapat hindi gawing isyu ang magiging tapatan ng kanyang MMFF entry sa gagawing pelikula para sa kaparehong film festival ni Vice Ganda.

Ani Coco, ang pangunahing layunin ng MMFF ang magpasaya ng publiko.

Dagdag pa ng aktor, para sa kanya, hindi labanan ang MMFF kundi isang tulungan upang mapasaya ang Pasko ng bawat isang Pilipino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.