Lola patay makaraang malunod sa creek sa Caloocan

By Rohanisa Abbas June 12, 2018 - 12:35 PM

Nalunod ang isang senior citizen habang tumatawid sa isang creek sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Agaton Acuba.

Tumatawid sa Sapang Alat creek si Acuba sa Barangay 181 pero tinangay siya ng malakas na alon.

Naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng hapon ng Lunes.

Ayon sa pulisya, nawala si Acuba matapos ito.

Natagpuan na lamang siyang wala nang buhay sa Barangay 185 makalipas ang ilang oras.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan city, drowning inident, Radyo Inquirer, Sapang Alat creek, caloocan city, drowning inident, Radyo Inquirer, Sapang Alat creek

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.